• Home
  • Fresh Scoops
  • Ella Cruz, ibinahagi kung paano sila naging close friends ni Donnalyn Bartolome

Ella Cruz, ibinahagi kung paano sila naging close friends ni Donnalyn Bartolome

Ella Cruz denies previously not liking Donnalyn Bartolome.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

6/21/2018 8:28 AM
Ella Cruz, ibinahagi kung paano sila naging close friends ni Donnalyn Bartolome


 

Sa Tonight with Boy Abunda, nagulat si Ella Cruz nang tanungin kung totoong hindi nila gusto ni Donnalyn Bartolome ang isa’t isa noon. “Ha?! Hindi naman po siguro sa hindi namin gusto yung isa’t isa. Hindi lang kami magkakilala before.”

Naalala rin nila na nagkita na sila sa isang restaurant bago pa man nila nakilala ang isa’t isa. Ayon kay Ella, “parang ang maldita nung face niya.”

Pero ngayon ay super close na sila at ang sikreto daw ng friendship nila ay, “siguro yung pagiging transparent namin sa isa’t isa. Parang kaming tunay na magkapatid po. Nagkaroon pa ng time sa tour na umiiyak ako sa kanya kasi yung mga problema ko.” 

Tinulungan din ni Donnalyn si Ella noong walang mahanap si Ella na glam team para sa premiere night ng isang pelikula. “Sabi ko, ‘Donna can you help me with my hair and makeup?’ She’s there to help.” 

Magkasama ang dalawa na bibida sa pelikulang Cry No Fear