• Home
  • Fresh Scoops
  • Rufa Mae Quinto on Piolo Pascual: ‘Nagkakamalisya na nga ako sa kanya’

Rufa Mae Quinto on Piolo Pascual: ‘Nagkakamalisya na nga ako sa kanya’

Rufa Mae Quinto, may binahagi tungkol kay Toni Gonzaga, Piolo Pascual, atbp.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

6/20/2018 8:32 AM
Rufa Mae Quinto on Piolo Pascual: ‘Nagkakamalisya na nga ako sa kanya’


 

Sa Tonight with Boy Abunda, binahagi ni Rufa Mae Quinto ang masayang samahan nila sa sitcom na Home Sweetie Home. Anya tungkol kay Toni Gonzaga, “mabuti siyang anak. Sobrang bait niyang tao. Saka maka-diyos siya.” Nagsimula daw ang friendship nila ni Toni noong sabay silang buntis at lagi silang magkatabing kumakain tuwing may pakain si Mariel Rodriguez Padilla. “Balik kami nang balik sa buffet.”

Strong woman naman daw si Sandy Andolong ayon kay Rufa Mae. “She’s a strong woman naman. Lima anak niya. CS lahat. Wala siyang yaya. Nakakainspire siyang babae.”

Mas naging okay din daw ang working relationship nila ni Ogie Alcasid. “Parang mas naging okay kasi nun mas mga bata pa kami. Mas wala lang...”

Nang tanungin naman siya tungkol kay Piolo Pascual na bahagi din ng cast, ito ang nasabi ni Rufa Mae. “Nagkakamalisya na nga ako sa kanya. Kasi lumalaban na din. Kasi dapat ako lang yumayakap, nanlalaban na din.” 

May nakaraan kaya sila ni Piolo? Pag-amin ni Rufa Mae, “ang nakaraan namin pray-pray sa bahay niya. Basta every night.”

Masaya din daw ang asawa ni Rufa Mae sa mga katrabaho niya. “Alam niyo sabi ng asawa ko natutuwa siya na kayo ang kasama ko kasi magiging good influence sa akin.”