Rufa Mae Quinto breaks down as she remembers her late mom

Rufa Mae Quinto, naiyak nang alalahanin ang mga lessons na natutunan sa nanay niya.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

6/20/2018 8:20 AM
Rufa Mae Quinto breaks down as she remembers her late mom


 

Sa Tonight with Boy Abunda, naiyak si Rufa Mae Quinto nang alalahanin niya ang mga lessons na natutunan niya sa ina niya na kamakailan lang ay pumanaw na. “Una, ‘wag kang mag-judge. Hindi lahat ng mga tao mabait, okay lang basta magtiwala ka sa mga tao.” 

Tinuro din daw ng nanay niya na maging matatag siya para sa anak niya matapos makita siya ng ina na umiiyak sa saya nang malaman niyang buntis siya. “Yan ang wag mong gagawin, ang hindi maging matapang sa anak mo. So magmula nun hindi na ako umiyak. Kahit na nanenerbyos ako, natatakot ako. Tapos siya, o di ba ilan kami, kinaya niya lahat yun.”

Lalo pang naiyak si Rufa Mae nang ibahagi niya ang pinakanami-miss niya sa ina niya. “Mami-miss mo siyempre yung tuwing mahina ka, yung meron kang pinagdaraanan. Wala ka namang malalapitan kundi nanay mo e. Kahit wala siyang ibigay, wala siyang sabihin. Yung the fact na kasama mo lang yung nanay mo parang... makinig ka lang kung anu man ang sabihin niya, may kwenta man o wala, sumasaya ka din di ba. Tapos laban ka uli.”

Ayon kay Rufa Mae, pumikit lang daw ang nanay niya bago ito tuluyang pumanaw kung kaya na-realize daw niya, “anytime pala, ang buhay nating lahat pwedeng mawala... siyempre marami akong pangarap sa anak ko... Hindi man niya nabigay lahat ng pera o ano, pero yung binuhay ka, binigyang buhay ka, yun lang ang tingnan natin.”