• Home
  • Fresh Scoops
  • Richard Somes, nagbigay ng mga detalye tungkol sa ‘We Will Not Die Tonight’ movie ni Erich Gonzales

Richard Somes, nagbigay ng mga detalye tungkol sa ‘We Will Not Die Tonight’ movie ni Erich Gonzales

Napabilib din daw si Direk Richard Somes sa stunt performance ni Erich Gonzales.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/20/2018 9:22 AM
Richard Somes, nagbigay ng mga detalye tungkol sa ‘We Will Not Die Tonight’ movie ni Erich Gonzales


Photo credit: Film Society of Lincoln Center (L)

 

Masaya ang direktor na si Richard Somes para sa kanyang upcoming Viva films project na Cry No Fear na pinagbibidahan nina Ella Cruz at Donnalyn Bartolome.

Ibinahagi din ni Direk Richard ang kanyang excitement para sa isa pang survival themed movie niya na pagbibidahan naman ni Erich Gonzales.

Kuwento ni Direk Richard, ibang Erich ang mapapanuod sa We Will Not Die Tonight na prinodyus din ni Erich.

“This is a survival film, so inspiration ito ng ‘80s film na The Warriors ni Walter Hill so yung role ni Erich dito is a stunt woman na hindi nababayaran palagi na kailangan itawid ang pang araw-araw. We’re so glad and thankful. This is self-produced by Erich and some other independent producer na pumasok sa picture para tumulong sa project.”

Aniya, siya mismo ay nagulat sa naging performance ni Erich sa pelikuka.

“Grabe! Ginulat niya din ako doon pagdating sa major stunts. Ang emotional journey niya din na-amaze ako kasi that time she was so busy sa paggawa niya ng ibang movie but when she came to the set she is so prepared doing her stunts 8 to 10 hours a day for 8 days,” pagmamalaki ni Direk.

Ayon pa kay Direk Richard, thankful din daw ang buong team ng We Will Not Die Tonight na magkakaroon ng world premiere sa June 29.

“We’re very thankful na, ito yung dream namin na ma invite kami sa New York Film Festival and magkaroon kami ng world premiere sa June 29, sa Lincoln Center sa New York. Despite na this is a small film, pero we’re glad and happy na na notice ito sa New York.”

Naniniwala din si Direk Richard na ito ang perfect timing para mapanuod ang kanilang passion movie na almost one year in the making.

“Naghintay lang kami ng perfect timing, yun nga ang maganda pag ginawa ninyo passion project talaga. Siyempre, pina-plano talaga siya and tina-timing nang tama lang. Marami din kasi special effects, yung post production namin. Tapos may mga special effects, siguro mga six months din yun.”

Sa ngayon umaasa si Direk at buong team ng We Will Not Die Tonight na mapabilang sila sa 2018 Pista ng Pelikulang Pilipino.