• Home
  • Fresh Scoops
  • Aljur Abrenica meets Fil-American Mr. Olympia champion Jeremy Buendia

Aljur Abrenica meets Fil-American Mr. Olympia champion Jeremy Buendia

Kasalukuyan ngayon nasa Pilipinas si Jeremy Buendia para sa ilang product endorsement.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/20/2018 9:27 AM
Aljur Abrenica meets Fil-American Mr. Olympia champion Jeremy Buendia


 

Nasa Pilipinas ngayon ang 28-year-old Fil-American four-time Mr. Olympia Men’s Physique champion na si Jeremy Buendia.

 

Si Jeremy ang unang Pinoy na nakasungkit ng parangal na ito mula sa isa sa pinakasikat sa body building competition sa buong mundo. Ito din ang parehong competition na naglunsad noon sa career ng Hollywood Star na si Arnold Schwarzenegger.

Kuwento ni Jeremy, ito ang kay ang ikatlong beses na pagbisita niya sa bansa.

“I love it here. [The] Philippines is my second home and I definitely love being here.”

Kasabay ng kanyang pagbisita sa bansa ang isang charity event na kanyang ginawa para sa mga kabataang kapus-palad sa Cebu City.

 

“We had about 300 plus kids show up. It’s just last minute. I saw kids when we were driving to the hotel the night before. I took a picture of them. I saw how they lit up just taking a picture of me, so I decided, ‘Why don’t we go out there and do something bigger?’” sabi pa ni Jeremy.

Ayon kay Jeremy, ang pagbabalik ng blessing sa kapwa ang kanyang natutunan sa kanyang Pinoy na ama na kanya din kasama sa kanyang fitness journey.

 

“He’s very disciplined, loving, and passionate. He believed in me and he made sure I believed in myself. He knew my potential and reminded me of my potential every single day.”

Samantala, tila naging fan boy naman ang Asintado star na si Aljur Abrenica na kilala din na isang fitness enthusiast.

 

“I’m very privileged kasi I’m very passionate about fitness and health. Anything that has to do with it and this guy, (Jeremy Buendia) is representing. He’s a pure Filipino, di ba? And he is Mr. Olympia for four consecutive years and I’m a proud Filipino,” sambit ni Aljur.

At kung papalarin, game din daw si Jeremy na maging trainer ni Aljur in the future.

“I’ll be definitely work with you. I think we can get him onstage so we can get him to show a hundred percent we have good genetics,” pahayag pa ni Jeremy.