• Home
  • Fresh Scoops
  • Rey Valera, may payo sa grand finalists ng Tawag ng Tanghalan

Rey Valera, may payo sa grand finalists ng Tawag ng Tanghalan

Mapapanuod ngayong Sabado ang kung sino ang magiging second champion ng Tawag Ng Tanghalan sa It’s Showtime.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/2/2018 11:53 AM
Rey Valera, may payo sa grand finalists ng Tawag ng Tanghalan


Aminado ang Tawag Ng Tanghalan punong hurado Rey Valera na hirap ang panel of judges sa pagpili ng susunod na kampeon sa inaabangan na segment ng It’s Showtime.

 

 

“Mas hirap sila ngayon! Mas pumuti nga ang buhok ko! Ang ano parang ang taas kasi ng prize natin ngayon halos six million worth yung prize eh kaya kung ako sa kanila pagbubutihin ko talaga,” bungad ni Rey.

 

Matapos ang mahigit isang taon ng masusing paghahap ng susunod na kampeon, ipinakilala na nitong June 1 ang anim na maglalaban laban ngayong araw sa live telecast ng Tawag Ng Tanghalan sa Aliw Theater.

 

Kabilang dito sina Janine Berdin, Ato Arman, Anton Antenorcruz, Reggie Tortug, Steven Paysu at Arabelle Dela Cruz sa mga maglalaban-laban para sa worth six million pesos pa premyo.

 

Kaya naman, tip ng punong hurado na si Rey, ipakita ang galing at husay ngayong grand finals para makaakit ng boto.

 

“Lahat ng magagawa mo para mang-akit, magpa-cute, lahat ng magagawa mo para iboto ka gawin mo. Dahil talagang totoo lang ang laki ng tulong ng text votes na yun,” sabi pa ni Rey.  

 

At bilang isang hurado, aminado si Rey mayroon siyang early favorite.

 

“Noong unang una ko pa kang siya nakita na lumaban diyan sabi ko iba ito! Gumanon na ako! Tatandaan ko itong isang ito! Eto na nga totoo nga nangyari,” pahayag pa ni Rey.

 

Samantala, mai-uuwi ng bagong Tawag ang Tanghalan champion ang mga sumusunod: Ultimate vacation package mula 2GO, musical gadgets package mula JB Music, isang negosyo package mula Siomai house, television sets mula sa HKTV, management contracts sa ABS-CBN, bagong house and lot mula Camella, P2 milyon, at isang tropeo na nilikha ng kilalang Filipino visual artist na si Toym Imao.