Karen Reyes may anak na?

Naglabasan ngayon ang photos ni Karen Reyes na parang nasa binyag ng sinasabing anak niya.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/19/2018 8:30 AM
Karen Reyes may anak na?


Photo credit: @justmekarenreyes on IG

 

Ilang photos ang nagkalat ngayon na nagsasabing isa nang mommy ang dating Pinoy Big Brother teen housemate na si Karen Reyes. 

Sa post ng makeup artist na si Mariah Santos, makikitang umattend ito ng binyag at sinasabing magkumare na sila ng aktres. 

Sa isang picture, kasama din sa group photo ni Karen ang kanyang boyfriend, vocalist ng Silent Sanctuary na si Sarkie Sarangay.

Sa entertainment blog na Fashion Pulis, may ilang photo din mula sa Twitter ng binyag.  

Matatandaang kailan lang ay ni-reveal ni Karen ang kanyang relasyon sa singer na may tanda sa kanya ng 14 years. 

Ang 21-year-old actress ay mapapanood kasalukuyan sa afternoon soap ng ABS-CBN na Asintado

Photos courtesy: fashionpulis.com