• Home
  • Fresh Scoops
  • Jed Madela on ASAP Versus: ‘Talagang kailangan mong sumapaw kasi it’s Versus e’

Jed Madela on ASAP Versus: ‘Talagang kailangan mong sumapaw kasi it’s Versus e’

Jed Madela, sinabing normal ang sapawan sa ASAP Versus

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

6/19/2018 8:54 AM
Jed Madela on ASAP Versus: ‘Talagang kailangan mong sumapaw kasi it’s Versus e’


 

Sa ulat ng TV Patrol, inabot ng bashing si Pinoy Dream Academy champion Laarni Lozada dahil sa diumano’y pananapaw niya kay Tawag ng Tanghalan finalist Eumee nang kumanta sila para sa ASAP Versus.

Nag-react si Laarni sa inabot niyang pintas sa mga netizens. “Hindi din kasi makontrol yung mga tao no. Pero sana ‘wag po tayo magsalita ng hindi maganda sa kapwa. Mas mabuti pang saktan ka physically kesa words. It can ruin your life. Puwedeng lifetime yun at puwedeng umepekto sa buhay ng tao.”

Dinepensahan naman ni Jed Madela ang segment na sinimulan nila ni Morissette Amon. “Talagang kailangan mong sumapaw kasi it’s Versus e. If one thinks na sumapaw yung isa, pinaninindigan niya talaga yung concept, pag tumaas ka, tataasan ko din... we give what the people want.”

Ganunpaman, sinabi ni Jed na dapat may hangganan ang pamimintas ng mga netizens. “If you say something negative hine-hurt mo yung artist, hine-hurt mo rin ang sarili mo in a way. Positive na lang, kung negative yan probably keep your mouth shut na lang.”

Mensahe pa niya para sa mga singers, “I don’t believe that there’s any lesser singer. Everybody has their spotlight, their own moment.”