• Home
  • Fresh Scoops
  • Jane Oineza, nag-react sa mga nagsasabing napag-iwanan na siya

Jane Oineza, nag-react sa mga nagsasabing napag-iwanan na siya

Jane Oineza: ‘Lahat naman tayo may kanya-kanyang path.’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

6/19/2018 8:46 AM
Jane Oineza, nag-react sa mga nagsasabing napag-iwanan na siya


 

Sa Tonight with Boy Abunda, nag-react si Jane Oineza sa mga nagsasabing napag-iwanan na siya ng mga kasabayan niya. “Di naman po sa naiinis. Lahat naman tayo may kanya-kanyang path and siguro mas ginagawa ko na lang siyang motivation, to better myself, be my own. Hindi dapat may ganung comparison kasi we’re all different... we do different projects. We have different career moves.” 

Excited din si Jane sa pagganap niya bilang Amber sa teleseryeng Araw Gabi at sa pamamagitan nito ay gusto niya patunayan na hindi totoo ang mga sinasabing negatibo tungkol sa kanya. 

Masaya din si Jane sa pag-reconnect nila kamakailan ng kaibigang si Julia Barretto. “Sobrang namiss yung isa’t isa. Yun dami naming napag-usapan.” 

Pagdating naman sa boyfriend niyang si Kyle Secades, inamin ni Jane na “one year plus” na silang official na may relasyon, at “two, almost three years” naman silang unofficially together. “Sobrang supportive” din daw ni Kyle at naiintindihan nito kapag busy siya sa trabaho. “Pag may time po, lumalabas pa rin naman kami,” dagdag ni Jane.