• Home
  • Fresh Scoops
  • Dating transgender Sabel Gonzales, nagdesisyong maging straight guy muli

Dating transgender Sabel Gonzales, nagdesisyong maging straight guy muli

Ipinakilalang muli ng dating gay beauty queen ang kanyang sarili bilang si Mark Estephen.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/19/2018 5:54 PM
Dating transgender Sabel Gonzales, nagdesisyong maging straight guy muli


Photo credit: @missinternationalqueen on IG

 

Naging usap usapan kamakailan ang dating transgender na si Sabel Gonzales dahil sa desisyon nitong maging isang straight guy ulit at gamitin ang tunay niyang pangalan na Mark Estephen.

Nakilala si Sabel Gonzales bilang  kinatawan ng Pilipinas sa Miss International Queen noong 2017. 

Sa panayam na ito ng PUSH at ABS-CBN News kay Mark, ibinahagi niya ang dahilan ng kanyang desisyon na pagbabago.

“Turning point is when I’m broken, parang hinahanap ko ang tunay na buhay ko, I’m looking for my identity kung sino ba talaga ako,” bungad ni Mark. 

Ayon kay Mark, hindi naging madali ang malaking desisyon na talikuran ang buhay ni Sabel Gonzales.

"Sa isang iglap magpapagupit ako ng buhok, magdadamit ako ng panlalaki ulit, it's not easy. Every time na nag-pe-pray ako kay Lord, I ask him, 'Lord, is this your desire in my life? Ito ba yung buhay na gusto mo para sa akin?’ Niluhod ko sa Panginoon. Iniyak ko sa Panginoon. 'Lord, alam ko gagabayan mo ako in my journey,' sabi pa ni Mark.

Malaki din daw ang pasasalamat ni Mark sa kanyang mga kaibigan na hindi siya tinalikuran sa kabila ng kanyang naging desisyon sa buhay.

“Noong una may awkwardness. Hindi ko sila iniwan, hindi nila ako iniwan, magkasama pa rin kami. Noong Sabel Gonzales ako hanggang maging Mark Estephen ako ulit, nandoon sila, at tinanggap nila, at masaya sila para sa akin. Naninibago sila na lalaki na ulit yung pananamit ko. Yung pagkilos ko, the way I act, the way I talk, is the same, but the desire of my heart to live as a man, iba na," sabi pa ni Mark. 

Bilang kaibigan naman , ini-rerespeto din ni Mark ang kanyang mga kaibigan sa kung ano ang mga ginagawa nito sa buhay.

"I respect them, because I believe that only Jesus can change people. What we can do is to pray for them, and eventually in the right time na dumating yung punto na tatawagin na sila ni Lord. Sa akin, walang nagsabi na kailangan ka magpakalalaki, kusa na lang na nagdesisyon ako para sa akin," sabi niya. 

Sa usapin naman ng kanyang transformation, aminado si Mark na hindi ito madali lalu pa at sumailalim na siya sa ilang beauty enhancement gaya ng breast  augmentation at hormonal transition.

"It takes time, because I took hormones a lot. Naging feminine yung body ko. Hindi iyan sa isang iglap lang, magiging katawang lalaki na,” sambit ni Mark. 

Aminado din si Mark na isa din sa nilalabanan niya ngayon ang temptation.

"Nandoon pa rin 'yung attraction. Na-a-attract pa rin ako pag nakakakita ako ng guwapo. Pinag-pe-pray ko na lang din, ini-ignore ko na lang, That's the struggle, especially before, I lived with the immorality. But we need to flee [from] the immorality," sambit ni Mark. 

Hangga din daw si Mark kay Sabel na naging inspirasyon ng marami noon.

"I admire her. She experienced how to live to be a woman. Minahal siya ng tao, minahal siya ng mundo, minahal siya ng LGBT community, and naging inspiration siya sa maraming tao," sabi pa ni Mark. 

Sa ngayon, isang active member si Mark ng Christ Commission Fellowship (CCF).