• Home
  • Fresh Scoops
  • Robin Padilla all out support sa pagbabalik telebisyon ni Mariel Rodriguez

Robin Padilla all out support sa pagbabalik telebisyon ni Mariel Rodriguez

Robin Padilla alam na masaya ang kanyang asawa na si Mariel Rodriguez sa pagiging isang TV host.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/18/2018 2:20 PM
Robin Padilla all out support sa pagbabalik telebisyon ni Mariel Rodriguez


 

Proud at todo suporta si Robin Padilla sa kanyang misis na si Mariel Rodriguez-Padilla sa pagbabalik telebisyon nito.

Kuwento ni Robin sa naganap na set visit ng Sana Dalawa Ang Puso, excited si Mariel sa kanyang pagbabalik hosting ngayong araw sa It’s Showtime.

 

Welcome back Mariel! ❤️❤️❤️ #ShowtimeResBekanNa

A post shared by It's Showtime (@itsshowtimeofficial_ig) on

 

“Kapag masaya ang asawa ko, masaya ako,” sabi ni Robin.  

“Sa sitwasyon namin ngayon na matanda na ako, bata pa siya (laughs) kailangan ako ang maintindihin yung pagbabalik niya (sa hosting) iba ang binibigay na kasiyahan na iyan sa asawa ko,” sambit pa ni Robin.  

At kung baby number two naman daw ang pag-uusapan, gusto muna daw nila i-enjoy ni Mariel si Baby Isabella para din healthy at matutukan ang paglaki nito.