Daniel Padilla out na sa Marawi movie project?

Shooting ng pelikula tungkol sa gera sa Marawi, malapit na simulan.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/18/2018 8:07 AM
Daniel Padilla out na sa Marawi movie project?


Photo credit to the owner

 

Nagbigay update si Robin Padilla para sa upcoming Marawi movie project kung saan makakatrabaho niya ang ilan sa malalaking Kapamilya stars.

Kuwento ni Robin, malapit na nilang simulan ang proyekto na i-didirek ni Joyce Bernal at si Piolo Pascual ang producer.

“Konti na lang, na-approve na lahat ng sector, mag-shooting na lang kami. Natuwa lang ako dahil ayon kay Heneral Piolo Pascual involved ang ABS-CBN,” bungad ni Robin.  

Ayon pa kay Robin, ikinalungkot niya na hindi napunta sa kanyang pamangkin na si Daniel Padilla ang isa sa mga role ng pelikula.

“Mas maganda kung si Heneral Piolo (Piolo Pascual) ang magkuwento sa inyo about the other cast, nalungkot lang ako nung hindi na si Daniel (Padilla) ang nakakuha (ng role), medyo nalungkot ako,” pagbabalita ng aktor.  

Kahit nanghihinayang kay Daniel, gusto ni Robin na simulan na ang proyekto dahil sa marami ang matututunan sa pelikula.

Read: Robin Padilla, Piolo Pascual help in Marawi rehabilitation

“Yung message ng nangyari sa Marawi, hindi natin dapat makalimutan yun, hindi dapat malaos sapagkat yun ay past, present and future situation ng ating bansa,” pahayag pa ni Robin.

Sa ngayon, abala si Robin sa morning telerserye na Sana Dalawa Ang Puso bago mag It’s Showtime.