Paulo Avelino dumaan sa training para sa ‘Goyo’

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/17/2018 11:33 AM
Paulo Avelino dumaan sa training para sa ‘Goyo’


 

Aminado ang aktor na si Paulo Avelino na ibang training ang kanyang pinagdaanan para sa upcoming historical movie ng TBA Productions na Goyo Ang Batang Heneral.

 

Kuwento ni Paulo, isa sa mga pinaghandaan niya ang pagsakay sa kabayo na isa sa major requirement ng kanyang character bilang si Goyo.

 

 

 

“Yes, nag-aral ako. Medyo over-trained nga ako para sa mga eksena. Over trained dahil ang teacher namin si Teacher Violet medyo advanced na masyado ang tinuturo nya sa amin,” bungad ni Paulo.

 

Pati ang kanyang costume ay dumaan sa matinding research.

 

 

 

“This costume is properly researched at may mga pinag basehan din naman pero di natin masasabi kung ano ang exact na itsura niya (Goyo) in person but this is the closest.”

 

Proud din ang aktor sa masasabi niya na isa sa biggest movie break niya na aniya ay gusto niya ilapit sa present generation.

 

“Gusto ko ipakilala hindi lang si Goyo kundi pati na rin ang ibang bayani natin na tao lang sila tulad natin na nagkakamali din at hindi perpekto.”

 

Mapapanuod ang Goyo Ang Batang Heneral sa darating na September 5, 2018.