• Home
  • Fresh Scoops
  • WOW! Bailey May ipinakita ang kanyang toned na katawan sa social media

WOW! Bailey May ipinakita ang kanyang toned na katawan sa social media

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/16/2018 2:25 PM
WOW! Bailey May ipinakita ang kanyang toned na katawan sa social media


Photos credit: @baileymay on IG

 

Totoy man nung sumabak sa Pinoy Big Brother 737 si Bailey May pero sa kanyang latest Instagram post, ipinakita ng singer na malaki na ang pinagbago niya ngayon. 

Isang boxing video ang inupload ni Bailey, kung saan kita na ang kanyang toned body at mas developed na muscles.  

 “The next Manny Pacquiao,” sabi pa ni Bailey sa kanyang post na mayroon nang 41K na views. 

 

The next @mannypacquiao 🤣😋🇵🇭❤

A post shared by BAILEY (@baileymay) on

Hindi masyadong aktibo si Bailey sa local showbiz nitong mga nakaraang buwan dahil busy ito bilang miyembro ng international pop group na One United, na binuo ng sikat na producer na si Simon Fuller.  

Kasalukuyang nasa Germany si Bailey para sa promotions kasama ang One United.