• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Kiko Estrada, ikinuwento kung bakit siya naiyak sa eksena kasama ang ina na si Cheska Diaz

EXCLUSIVE: Kiko Estrada, ikinuwento kung bakit siya naiyak sa eksena kasama ang ina na si Cheska Diaz

Aminado si Kiko Estrada na ang amang si Gary Estrada ang inspirasyon niya sa kanyang role sa ‘Walwal’

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

6/16/2018 10:41 AM
EXCLUSIVE: Kiko Estrada, ikinuwento kung bakit siya naiyak sa eksena kasama ang ina na si Cheska Diaz


Photo credit to @chescadimorales IG

 

Si Cheska Diaz, ang ina ni Kiko Estrada, ay siya ring gumanap na ina ng aktor sa youth-oriented film na Walwal. Ayon sa aktor, komportable naman siyang kaeksena sa pelikula ang ina.

“Sobrang dali niyang kaeksena. It’s so easy, sobrang natural niyang tao, sobrang galing niyang aktres.

“You know what, one of her biggest strives before, kasi nung nabuntis [siya sa akin] natigil na yung career niya, eh. Pasikat na siya non, eh. Pinapasikat na siya ni Mother Lily (Monteverde), pero dumating ako. Kumbaga, ngayon parang tinutuloy ko yung pangarap niya,” simulang kuwento ni Kiko sa PUSH.

Patuloy ng binata, “My mom took care of me, took care of my family, take care of my brother and my sister. Ginive-up niya lahat para sa amin, yung pangarap niya na pagiging aktres. Ginive-up niya para sa amin yon, so nakakataba ng puso.”

Ibinahagi ni Kiko ang isang eksena nila ni Cheska sa Walwal na hindi niya raw talaga makakalimutan. Hindi raw nila ni-rehearse ang eksena kaya nagulat siya ng bigla itong sabihin ng ina.

Sabi raw ni Cheska sa eksena, “Ikandado mo yang zipper mo, huwag gumaya sa lahi ng ama mo na mga babaero.”

“Siyempre nagulat ako. Kasi half-meant siya, eh. Natawa ako kasi sobrang natural lang nung bato niya, eh, alam mo yon. Nagulat ako kasi usually, kami ng nanay ko nagre-rehearse kami. So yung eksena na yon hindi namin ni-rehearse at hindi namin pinag-usapan.

“Pero in real life, never yon sasabihin ng nanay ko sa tatay ko. Kaya nga tingnan mo yung last name ko sa birth certificate ko, Ejercito. Hindi niya ako pinagkait sa tatay ko.

“Yon ang gusto ko. Siguro nagtampo ng konti, di ba, pero… I mean, they had to go through whatever they had to go through, pero my mom is very respectful at mahal niya ako at hindi niya pinagkait yung totoong tatay ko sa akin,” pahayag pa niya.

 

Dagdag pa ng binata, naiyak din daw siya sa eksena dahil naramdaman niya ito.

 

“Sobrang umiyak talaga ako non, pero hindi nakita ang luha ko kasi wide shot siya. Pero niyakap ko yung nanay ko kasi naramdaman ko talaga yung nanay ko.”

 

Ini-reveal din ni Kiko na ang tatay na si Gary Estrada ang inspirasyon niya sa role ni Marco sa pelikula.

 

“Matutuwa si papa kapag napanood niya ito kasi siya yung inspirasyon ko dito, eh.

 

“Si Marco ay yung playboy master na si Gary Estrada nung bata. Yung karakter ni Marco lumaki na may single mom, walang tatay, so kumbaga, ginawa ko na since wala siyang tatay, ‘Ay kaya playboy ‘to kasi idol niya ang tatay niya kaya siya nambabae… alam mo yon?

 

“I mean, si papa nga actually, siya talaga si Marco,” natatawang pagdidiin pa ni Kiko sa PUSH.

=

Catch Walwal on June 27. Bida rin sa pelikula ni Direk Joey Reyes sina Jerome Ponce, Elmo Magalona at Donny Pangilinan. Produced ito ng Regal Films at