• Home
  • Fresh Scoops
  • Teresa Loyzaga may bwelta sa TNVS driver na nagreklamo sa anak niyang si Diego

Teresa Loyzaga may bwelta sa TNVS driver na nagreklamo sa anak niyang si Diego

Teresa Loyzaga to TNVS driver: 'Huwag niyang gagawan ng istorya yung anak ko'

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

6/15/2018 10:37 PM
Teresa Loyzaga may bwelta sa TNVS driver na nagreklamo sa anak niyang si Diego


 

Sa TV Patrol, may bwelta si Teresa Loyzaga sa isang TVNS driver na nakilala sa pangalang Ronel, na inakusahan si Diego Loyzaga ng pananadyak at pambabato ng sasakyan niya.  

This taxi appeared from nowhere. He was reckless on the road and buti na lang naiwasan siya ng driver ni Diego at hindi sila nabunggo pero nabangketa siya at buti hindi tumaob,” sabi ng aktres.

Tulog din diumano si Diego nang mangyari ang lahat kung kaya nagulat ang aktor. “Given he was asleep in the car nung tumalembang ang kotse, nagulantang ang Diego. Natural...” dagdag pa nito.

Hindi rin daw totoong namato at nanadyak si Diego ng sasakyan ng driver, bagkus sinubukan pa ni Diego na kausapin ang driver.

“Ang bilis niya masyado mag-accuse. Huwag niyang gagawan ng istorya yung anak ko. Ang totoong istorya is mali siya. Muntik siyang maka-cause ng aksidente at kung nangyari yon maari niyang napatay ang anak ko," sabi pa ni Teresa.