RK Bagatsing: ‘Sobrang star struck ako kay Kim Chiu’

RK Bagatsing, pineke ang pagtulog dahil star struck daw kay Kim Chiu.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

6/15/2018 8:59 AM
RK Bagatsing: ‘Sobrang star struck ako kay Kim Chiu’


Photos credit: @bagatsingrk and @chinitaprincess on IG

 

Sa Tonight with Boy Abunda, inilarawan ni RK Bagatsing kung anong klaseng boyfriend siya. Anya, “Naku, maalaga ako. Sweet ako. Saka pupunuin kita ng pagmamahal. Yung tipong hindi mo ako makakalimutan. Sa gabi pagtulog, mapapanaginipan mo pa rin ako.”

Inamin din niya na “seloso” siya. Dagdag pa niya, “pero siyempre may pride muna ng konti,” at hindi daw muna niya aaminin na seloso siya.

Pagdating din sa pag-ibig ang pinakamahalagang payo daw sa kanya ng kapatid niyang si Raymond ay, “Be a gentleman.” 

Sa segment na “5 in 45,” inamin niya na, “sobrang star struck ako kay Kim Chiu, halfway na nag-uusap kami I faked na nakatulog ako. Nasa bus kami papunta sa location, kunwari nagku-kwentuhan kaming ganyan, then (snores as if sleeping).”