Mark Oblea ipinakilala bilang solo performer

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

6/15/2018 10:54 AM
Mark Oblea ipinakilala bilang solo performer


Photo credit: @markoblea on IG

 

Pinakilig ng bagong singer na si Mark Oblea ang maulan na hapon nang ipakilala siya bilang Solo Artist performer.

Matatandaan na isa si Mark sa mga finalist ng Pinoy Boyband Superstar reality talent show.

Hindi man pinalad makasama sa grupo ng BoyBandPh, ito naman ang naging daan niya para sa mga bagong blessings sa kanyang career.

“First time ko magkaroon ng profile sa Spotify, first ever single. Nakuha ako sa theme song as a musician. Sobrang surreal talaga, hindi ko siya ma-sink in totally.”

Gwapo at sexy si Mark at ibinida din ang mga tattoo niya sa katawan at ang mga kuwento sa likod ng bawat isa.

Pinakamahalaga daw dito ang kanyang tattoo na sumisimbolo sa pagmamahal sa kanya ng kanyang ina na solo na nagpalaki sa kanya.

”Ito (dibdib) meaning God is greater than the highs and the lows, Romans 9. It’s a bible verse. Siyempre sa left ko where my heart is is my mom. Ganun kami ka close ng nanay ko,” sabi pa ni Mark.

Bukod sa kanyang mga tattoo, ipinagmalaki din ni Mark ang mainit na pagtanggap sa kanya ng mga netizens sa kanyang unang music single.

“Yung ‘To Be Silently’ na ni-release namin sobrang nagulat ako within less than three weeks almost 300 thousand na ang hits niya.”

Bukod sa pag-awit, isang teleserye din ang kabibilangan ni Mark sa ilalim ng Dreamscape kasama ang JoshLia tandem.