• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCUSIVE: Eric Quizon, ibinahagi kung ano ang naging lowest point sa kanyang career

EXCUSIVE: Eric Quizon, ibinahagi kung ano ang naging lowest point sa kanyang career

Ikinuwento ni Eric Quizon kung paano nagsimula ang career niya bilang director sa ABS-CBN.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

6/15/2018 9:50 AM
EXCUSIVE: Eric Quizon, ibinahagi kung ano ang naging lowest point sa kanyang career


Photo credit: lionheartv.net

 

Sa panahon ngayon na bibihira na lang ang nagpo-produce ng pelikula ay mas gusto ni Eric Quizon na sana ay kumita ang iba pang pelikula na nakatakda niyang idirek, tulad ng kanyang box office hit na My 2 Mommies ng Regal Films.

Aniya, “Siyempre, gusto ko rin ang sinasabi ng critics, masarap din kasing pakinggan yon, di ba, na sinasabing maganda yung pelikula mo.

“To be honest, pareho siyang nakakataba ng puso, pero sa akin, mas importante na kumita ang pelikula ko. Kasi kung hindi ako kumita, maganda nga yung pelikula ko hindi naman kumita, paano ka makaka-produce ulit?

“At least kung kumita ako, at least may pang produce ako at baka sakaling makagawa ako ng magandang pelikula. Pero siyempre, mas maganda kung kumita na, maganda rin siya. Mas maganda sana kung ganun,” katwiran pa niya.

Sa interview ng PUSH ay ibinihagi rin ni Eric kung ano ang maituturing na lowest point ng kanyang career bilang actor.

Kuwento niya, “Maganda naman ang career ko as a director. Nagdirek ako for Maalaala Mo Kaya that’s were I started. Then I did Wansapanataym. Tapos I did Judy Ann Drama Special. Ang ganda ng training na binigay ng ABS-CBN sa akin.

“Masasabi ko pa nga, mas meron akong low point as an actor, eh. It was after Buddy En Sol (with Redford White). After Buddy En Sol I started doing soap operas na ang feeling ko kasi, parang when I was doing soap operas, nung time na yon, ang baba ng bayad sa artista.

“So feeling ko lang, ba’t ako biglang… andito na yung talent fee ko, biglang all of a sudden parang bumaba. And then parang no matter what, parang kahit tatlong beses akong nagti-taping, parang mas maganda pa yung nagtatrabaho ka ng isang araw. Parang ganun yung katumbas ng time na yon.

“Tapos I was doing this show with Richard (Gomez), yung Your Honor (sa ABS-CBN), which I thought was a really good show. Excited na excited akong gawin yung show tapos biglang pagbalik ko from the States pinutol na nila because hindi daw nagre-rate.

“So for three months wala akong ginagawa. Nawalan ako ng ano, parang that was really for me the lowest point.

“Kumbaga, parang I wasn’t directing anything, I wasn’t acting. Tapos everything in my life was not falling into place,” pagre-recall ni Eric.

Pagkatapos ng kanyang pinagdaanan ay nakabawi rin si Eric nang magtrabaho siya sa GMA-7, TV5 at bumalik ulit sa ABS-CBN.

Ngayon ay iba na raw ang kanyang pananaw at tanggap na niyang hindi na siya katulad ng dati.

“Alam ko I’m not a star anymore. Wala na yon, eh, wala na yung matinee idol or whatever. I’d rather be called a reliable actor or a reliable director. At least, kahit papaano kung reliable ka, hindi ka mawawalan ng trabaho,” huling pahayag ni Eric sa PUSH.