• Home
  • Fresh Scoops
  • Erwan Heussaff, ibabalik ang talent fee para sa Buhay Carinderia project

Erwan Heussaff, ibabalik ang talent fee para sa Buhay Carinderia project

Sharon Cuneta, Aga Muhlach, and other stars to help in the new DOT campaign for free.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

6/15/2018 9:07 AM
Erwan Heussaff, ibabalik ang talent fee para sa Buhay Carinderia project


Photo credit: @erwan on IG

 

Sa ulat ng TV Patrol, masayang ibinalita ni Secretary of Tourism Bernadette Romulo-Puyat ang pangako ng ilang malalaking celebrity na tutulong sa bagong tourism campaign ng bansa ng walang bayad. “Nangako na sa akin sila Aga Muhlach, Sharon Cuneta, Armi Millari of Up Dharma Down, Rico Blanco, apl.de.ap. They’ve already signified that they want to help the Department of Tourism, the country for free, walang bayad.”

On board pa rin daw sa mga bagong tourism campaigns si Erwan Heussaff at ibabalik din diumano ni Erwan ang humigit kumulang isang milyong pisong talent fee para sa kontrobersyal na Buhay Carinderia project.

Ang Buhay Carinderia ay pinangunahan ni dating Tourism and Promotions Board head Cesar Montano at kinansela naman ni Puyat dahil di daw ito dumaan sa tamang bidding.

Pagtatanggol naman ni Puyat kay Heussaff, “malinis yan, hindi yan mukhang pera. Gusto lang niya talagang tumulong sa bayan.”

WATCH: Sharon Cuneta, Aga Muhlach at iba pa, nangako ng tulong sa bagong tourism drive ng D.O.T.