• Home
  • Fresh Scoops
  • Driver files complaint against Diego Loyzaga in traffic altercation

Driver files complaint against Diego Loyzaga in traffic altercation

Diego Loyzaga, namato at nanadyak daw ng sasakyan ayon sa isang TNVS driver

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

6/15/2018 10:34 PM
Driver files complaint against Diego Loyzaga in traffic altercation


 

Sa TV Patrol, inireklamo ng isang Grab driver ang aktor na si Diego Loyzaga dahil sa pang-aaway diumano nito at pagwawala sa kalsada, madaling araw ng June 15.

Ayon sa driver na nakilala sa pangalan na Ronel, nagbaba siya ng pasahero sa Taft Avenue sa Malate nang biglang sumulpot ang convoy ng isang sasakyan at isang motorsiko.

“Bigla na lang silang bumulusok, bineat pa nga nila yung red light e. Tapos biglang tumalon itong artistang si Diego loyzaga, at nanlilisik yung mata lasing na lasing. Pagewang-gewang eh," sabi ng driver.

Binato at tinadyakan din diumano ni Diego ang sasakyan ng driver kung kaya lumuwang ang bumper ng sasakyan nito.

Nakunan din ng driver ang pag-awat ng mga kasama ni Diego sa aktor at maging ang pagkatok ni Diego sa  bintana ng driver’s seat. Ayon sa driver, natakot ang pasahero niya sa nangyari.