Shanti Dope: ‘May part po ng rap na for fun lang’

Shanti Dope, may sagot sa mga nagsasabing ‘vulgar’ ang music niya

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

6/14/2018 9:40 AM
Shanti Dope: ‘May part po ng rap na for fun lang’


 

Sa Tonight with Boy Abunda, sinagot ng rapper na si Shanti Dope ang mga nagsasabing sensitibo o “vulgar” ang music niya. “Para po sa akin, sa totoo lang, may part po ng rap na for fun lang. Hindi naman po kasi ako laging may galit sa mundo. Hindi ako laging malungkot. Saka nasa pagtanggap naman po ng tao yun, kung tatawanan nila o magagalit sila. Basta ako, yung kanta yun para kay… para dun lang yun.” 

Ramdam din daw niya ang pressure ngayong marami nang nakakakilala sa kanya. “Opo, kasi mas nagiging mapili po ako sa sasabihin ko, saka hindi katulad ng dati na lahat ng gusto mong sabihin mapa-gusto nila... susulat mo lang siya. Pero ngayon kailangan mong maging mapili sa sasabihin mo saka dapat alam mo siyang explain sa tao kung paano mo nasabi yun.”

Kahit sikat na, wala naman daw masyadong pinagbago sa buhay ni Shanti. “Wala naman po masyado, siguro kumikita na po ako sa rap na dati libangan ko lang. Saka mas nagiging madisiplina ako sa sarili ko. Naalagaan ko yung kalusugan ko, dati wala akong pakialam naglalaro lang ako sa labas.” 

Inamin din ni Shanti na ang celebrity crush niya ay si Solenn Heussaff.