• Home
  • Fresh Scoops
  • Pinoy family reminisces about sharing a meal with the late Anthony Bourdain

Pinoy family reminisces about sharing a meal with the late Anthony Bourdain

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

6/14/2018 10:01 AM
Pinoy family reminisces about sharing a meal with the late Anthony Bourdain


Photos credit to the owners

 

Sa ulat ng TV Patrol, inalala ni Jhoy Dela Cruz nang makasama nila ang American celebrity chef na si Anthony Bourdain na kamakailan lang ay pumanaw na.

Magpapasko noong 2016 nang ipagluto ni Lola Aurora ng kare-kare si Bourdain at nakasama nila ito sa pananghalian sa balkon mismo ng bahay nila Jhoy sa Pasay. “Ipinagluto siya ni lola ng kare-kare, then nagustuhan niya rin yun. Nagustuhan niya rin yung shrimp na bagoong.”

Ayon kay Jhoy, seryoso daw kausap si Bourdain sa likod ng camera pero hindi naman ito madamot sa mga ngiti at pakikisalamuha. “Nag-iinterview siya, tinatanong niya kung ano yung life ng mga Pilipino.”

Madaldal din daw si Bourdain. “Sobra. Talagang matanong siya e.” At paborito daw nitong topic ang magagandang katangian ng mga Filipino. “Yung mga Pilipino daw sobra daw sa trabaho. Malapit din daw talaga siya sa Pilipino dahil yung anak niya, yung yaya nun ay Filipina.”

WATCH: Pamilya na nakasalamuha ni Bourdain sa Pilipinas, ikinalungkot ang kanyang pagpanaw