Miss Universe pageant maaring maganap sa China o Korea
Inaabangan ang formal announcement ng Miss Universe Organization kung saan gaganapin ang prestigious pageant ngayong taon.
BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

6/14/2018 5:45 PM
Miss Universe pageant maaring maganap sa China o Korea


Photo credit: @missuniverse on IG

 

Nagbigay update ang kilalang negosyante at former Ilocos Sur governor Luis Chavit Singson tungkol sa magiging host country ng 2018 Miss Universe.

Matatandaan na si Chavit ay nagkaroon ng malaking role noong idaos sa Pilipinas ang 65th Edition ng Miss Universe, kung saan ipinasa ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach ang kanyang korona kay Iris Mittenaire ng France.

Kuwento ng dating politiko, tuloy ang kanyang negosasyon sa Miss Universe Organization (MUO) at umaasa pa din siya na sa Pilipinas gaganapin ang upcoming Miss Universe pageant.

Sa tulong din ng ilan pang investors, maari din daw maging venue ng Miss Universe ang Macau or Korea.

Pagbabahagi pa ni Chavit, interesado din ang North Korea sa paglahok sa prestigious pageant sakaling doon nga ito gaganapin.

“Korea is very much interested. Dahil kapag doon ginawa, North Korea will participate,” ani niya.

“Sinabi sa akin ng mga partners doon (Korea), kasi yun ang topic doon e, and very much interested sila and inassure nila na sasali nga daw ang North Korea,” paliwanag pa ni Chavit

Sa ngayon, wala pang formal announcement ang MUO kung saan at kailan muling gaganapin ang prestigious Miss Universe pageant kung saan lalaban ang pambato ng Pilipinas na si Catriona Gray.