• Home
  • Fresh Scoops
  • Jerome Ponce, Kiko Estrada, Donny Pangilinan, at Elmo Magalona, masaya sa nabuong samahan sa ‘Walwal’
Jerome Ponce, Kiko Estrada, Donny Pangilinan, at Elmo Magalona, masaya sa nabuong samahan sa ‘Walwal’
Di malilimutan ng ‘Walwal’ boys ang kanilang naging samahan sa set.
BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

6/14/2018 10:40 AM
Jerome Ponce, Kiko Estrada, Donny Pangilinan, at Elmo Magalona, masaya sa nabuong samahan sa ‘Walwal’


Photos credit: @regalfilms50 on IG

 

Kahit umuulan, tuloy ang last shooting day ng upcoming Walwal movie ng Regal Entertainment at Star Cinema na pinagbibidahan nina Jerome Ponce, Kiko Estrada, Donny Pangilinan, at Elmo Magalona.

Sa naganap na set visit, nagkuwento ang cast tungkol sa kanilang nabuong samahan bilang magkakaibigan.

 

“We love working with each other, so we will take this opportunity and we missed each other. We thought na were on our last shoot na daw pero ang saya kasi magkakasama kami ulit,” bungad ni Kiko.

Si Elmo aminado na mami-miss ang samahan ng bawat isa.

 

“Siyempre yung bonding namin talaga, and yung team ng Walwal talagang nagkaroon ng bonding,” sabi pa ni Elmo/

Maraming hindi malilimutang bonding experiences naman ang mahalaga kay Donny.

 

“Set moments and after set moments are the best,” masayang pahayag ni Donny.

Ang masayang samahan din ng buong Walwal team ang hindi naman malilimutan ni Jerome.

 

“Everyone. The staff, the crew… lahat sila dito very friendly and even si Direk Joey Reyes mami-miss namin talaga,” pahayag naman ni Jerome/

Mapapanuod ang pelikulang Walwal sa darating June 27 in cinemas nationwide kasama sina Jane De Leon, Devon Seron, Sofia Seronon at Kisses Delavin sa direksyon ni Joey Reyes.