• Home
  • Fresh Scoops
  • Anne Curtis on the grand finals of Miss Q &A: “Excited talaga kami ni Vice.”

Anne Curtis on the grand finals of Miss Q &A: “Excited talaga kami ni Vice.”

Anne Curtis, naghahanda na ng outfit para sa grand finals ng Miss Q&A

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

6/14/2018 9:50 AM
Anne Curtis on the grand finals of Miss Q &A: “Excited talaga kami ni Vice.”


Photos credit: @annecurtissmith and @praybeytbenjamin on IG

 

Sa ulat ng TV Patrol, umaapaw ang kasiyahan ni Anne Curtis dahil sa sunod-sunod niyang pelikula. Bukod kasi sa Sid and Aya (Not A Love Story) at Buy Bust ay sinisimulan na rin niyang gawin ang Aurora, isang horror film. 

Bukod dito, excited din si Anne sa nalalapit na grand finals ng segment na Miss Q & A sa It’s Showtime. “Excited talaga kami ni Vice (Ganda); sa outfits, sa sagutan. Pati kami ni Vice naghahanda na rin kami ng mga outfits namin.” 

Payo pa niya sa mga beki contestants ng segment, “Stay real, listen to what the hurados have been giving, yung mga advice nila.” 

May mensahe rin si Anne sa mga taong walang tigil ang tanong kung kailan sila magkaka-baby ng asawang si Erwan Heussaff. “Ang dami ngang nagtatanong. Siguro sabi ko nga, dadating na lang siguro yung tamang panahon, when it’s given to me. When we’re both ready for it.”

WATCH: Anne Curtis, feeling blessed sa tatlong magkakasunod na pelikula