• Home
  • Fresh Scoops
  • Volleyball at beauty pageant komplikado para kay Michele Gumabao
Volleyball at beauty pageant komplikado para kay Michele Gumabao
BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

6/13/2018 11:37 AM
Volleyball at beauty pageant komplikado para kay Michele Gumabao


Photo credit: @gumabaomichele on IG

Excited na nagbigay update ang athlete-beauty queen na si Michele Gumabao sa latest niyang pinag kakaabalahan ngayon.

Kuwento ng 2018 Binibining Pilipinas Globe, nasa top ng listahan niya ngayon ang pagiging Volleyball player na kanyang na miss na gawin dahil sa pinagdaanan na pageant training.

“I’m still currently in volleyball mode, I’m still in season. I want to do my best first and focus on Binibini or focus on Miss Globe after that,” sabi ni Michele.

Pero kahit daw volleyball mode ngayon si Michele, hindi padin daw siya bumibitiw sa training para sa kanyang magiging laban sa upcoming Miss Globe 2018.

“We’re still undergoing diet, we’re working out. We have a diet regimen but my workouts now and my diet is for an athletes naman. I’ve gained a lot of muscles since coronation night. I really need it. I’ve been playing so far so good.”

Kahit magkaibang larangan man daw gingawa ni Michele, ini-enjoy niya daw ito pareho at walang nararamdaman na pressure sa kanya.

“Tuloy-tuloy lang and we won’t stop kumbaga not putting the pressure also on us.”