• Home
  • Fresh Scoops
  • Joey Reyes gustong mabihag ang puso ng millennials sa “Walwal”
Joey Reyes gustong mabihag ang puso ng millennials sa “Walwal”
Ayon kay Direk Joey, may pressure siya ngayon na muli siyang nag-direk ng isang youth-oriented film.
BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

6/13/2018 10:04 PM
Joey Reyes gustong mabihag ang puso ng millennials sa “Walwal”
Photo credit to: @direkjoey IG

 

Aminado ang batikang direktor na si Joey Reyes na ibang adjustment ang kanyang ginawa para maka relate sa mga cast ng kanyang upcoming movie na Walwal.

Kuwento ni Direk Joey, may pressure sa kanya bilang isang direktor na mabihag ang puso ng younger generation ng mga manunuod.

Nakaka-pressure, kasi sana mabihag ko yung tunay na sentiment sa kaisipan ng generation na ito,” bungad ni Direk Joey, na naging direktor ng ilang iconic youth-oriented films tulad ng Pare Ko na pinagbidahan nina Mark Anthony Fernandez at Claudine Barretto. 

Pressure din, kasi na realize ko na mayroong ‘Pare Ko’ mayroong ‘Gwapings’ na mga nagbibinata. Siguro kaya ko ginagawa ito para ma-trace yung pag-iiba ng generation, kung paano sila kumilos,” dagdag pa niya.  

Aniya, bilang isang direktor nais niya na malaman at mahuli kung ano ang pinagkaiba ng mga kabataan noon sa ngayon.

Siguro, maaaring yung mga problema, pare-pareho pa din, iba lamang ang konteksto, pero yung kanilang way of approaching the problem tsaka yung way na they are looking at the world eh nag-iiba,” paliwanag ni Direk Joey. 

May pressure man, naging masaya naman daw si Direk Joey sa pakikipagtrabaho sa bagong henerasyon ng mga artista ngayon tulad nina Elmo Magalona, Donny Pangilinan, Kiko Estrada at Jerome Ponce.

I’m really enjoying (directing), alam mo nakaka-miss gumawa ng mga pelikulang ganito, kasi medyo matagal tagal na akong gumawa ng youth-oriented movie,” sabi pa niya. 

Very, very energizing as I said before ano, why is it energizing kasi nakukuha mo yung positive vibes nila,” sabi pa ni Direk Joey.

Mapapanuod ang Walwal sa darating na June 27.