DJ Jhai Ho makes a few revelations about Daniel Padilla

DJ Jhai Ho, may inside scoop sa KathNiel at LizQuen

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

6/13/2018 8:54 AM
DJ Jhai Ho makes a few revelations about Daniel Padilla


Photo credit to @danielpadilla_ IG

 

Sa Tonight with Boy Abunda, may inside story si DJ Jhai Ho sa mga celebrity na malapit sa puso niya.
 
Unang scoop ni Jhai Ho ay sa tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. “Diumano daw ay malapit na silang ikasal, but I believe they’re very young... ang dami pang pwedeng gawin nila Kathryn at DJ at gusto kong i-advise sa mga fans na wag nilang ipressure yung dalawa...”

Sinabi din niya na kapag kasama niya ang dalawa ay, “They’re very very sweet,Tito Boy.”

Tanda din daw ni Daniel kapag hindi siya nakaka-attend sa mga family gathering. “Tatanungin ka talaga niya, o bakit wala ka?”

Paborito din diumano ni Daniel ang pansit canton. “Pancit canton. Pag nasa bahay siya kapag may sakit, ako nagluluto ng pansit, Tito Boy. Gusto niya pagkakulo ng tubig, lagay mo yung canton, tapos hango agad. Tapos pag nalasahan na niya, sabi niya galing, perfect.”

Kuwento din niya kapag kausap niya sa telepono si Kathryn, “meron kaming moment ni Kathryn na ay tropa, ang saya.”

Pangalawa sa scoop ni Jhai Ho ang tungkol naman sa tambalang Liza Soberano at Enrique Gil. Ayon kay Jhai Ho, tawagan ng dalawa ay “love.” “Mahilig sila mag-Facetime Tito Boy.” “Updated” din daw lagi si Liza pagdating kay Quen.