Disney-Pixar Animator may Regalo sa Pinoy Celebrities
BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

6/13/2018 11:21 AM
Disney-Pixar Animator may Regalo sa Pinoy Celebrities


Photo credit: @scarletsnowbelo on IG

 

Masayang nakipagkuwentuhan sa local media si Bryn Imagire na isa sa mga gumawa ng animated movie na The Incredibles 2 ng Pixar at Walt Disney Studios.

14 years ang naging agwat bago nasundan ng sequel ang successful animated movie na bida ang isang pamilya na superheroes.

Paliwanag ni Bryn, ito ang perfect timing para sa sequel ng pelikula.

“I have been waiting to work on Incredibles 2 because I worked on the first one. I don’t know… maybe because we’re too busy working on other projects, maybe this is just the perfect time when everything came together,” pahayag ni Bryn na Shading Director ng Pixar.

Habang nasa bansa, ilang sketch din ang ibinahagi ni Bryn para sa mga local celebrities na dumalo sa special advance screening ng The Incredibles 2 kabilang ang mga anak nina Dr. Vicki Belo at Hayden Kho na si Scarlet Snow, nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na si  Zia at nina Cheska Garcia at Doug Kramer na sina Kendra, Scarlett, at Gavin.

 

“I did illustrations in the Incredibles style colors, making them have superhero powers. I hope they like them. It’s really fun for me to see if I can get the feeling of their personality in a pose, it’s a lot of fun for me.Ii hope they like them,” sabi pa ni Bryn.

Pagdating naman sa pinoy animators, ayon kay Bryn malaking factor din sa husay at galing nila ang pagiging masiyahin na personalidad.

“I have a lot of Filipino friends in Pixar, I really enjoy them. They have similar personality traits as you guys, like very jovial, happy, very nice hospitality and very warm people and I hope to meet more.”

At kung gagawa siya ng isang malaking animated scene sa mga susunod niyang proyekto hindi daw malayo na dito sa Pilipinas ito mangyari.

“I would love to set in somewhere in Southeast Asia. There are things that came into [mind;, the places that I’ve visited like Indonesia, Singapore, and now here in Manila... I think it would be a perfect setting.”

Ipapalabas ang The Incredibles 2 dito sa Pilipinas sa darating na June 14.