• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Ate Girl’ Jackque Gonzaga on her unplanned popularity: ‘Parang panaginip’

‘Ate Girl’ Jackque Gonzaga on her unplanned popularity: ‘Parang panaginip’

‘Ate Girl’ Jackque Gonzaga, bata pa lang ay pangarap na maging dancer.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

6/13/2018 9:52 AM
‘Ate Girl’ Jackque Gonzaga on her unplanned popularity: ‘Parang panaginip’


Photo credit: @jakigonzaga on IG

 

Kilala siya bilang Ate Girl na kaharutan ni Vice Ganda sa segment na Miss Q & A sa It’s Showtime, pero sa totoong buhay siya ay si Jackque Gyl Gonzaga, 23 years old, taga- Antipolo City, Rizal.

Ayon sa programang Rated K, graduate si Jackque ng International Studies pero mas pinili niya maging dancer. Bata pa lang daw kasi siya, hilig na niyang sumayaw at sumasali na siya sa mga dance troupe.

Hindi daw ito naging madali noong una para sa mga magulang ni Jackque. Ayon sa kanyang ina, “Nung naka-graduate na siya tapos nagpaalam na siya na gusto niyang magsayaw sabi ko nag-aral ka pa tapos magsasayaw ka lang pala... yung Daddy niya sabi bakit pinayagan ko daw.”

Pero hindi din natiis ng mga magulang ni Jackque ang anak. “Nung nakita namin na masaya siya, wala na kaming magawa kundi suportahan na kung san siya masaya.”

2015 nang mag-audition at maging dancer sa It’s Showtime si Jackque. Biggest break diumano niya ang maging taga-hawak ng bowl ng mga tanong sa segment na Miss Q & A. Dito kasi nagsimula ang hit love team nila ni Vice Ganda. Ani Jackque, “hindi lahat nabibigyan ng chance na ganito e. Tapos ako, simpleng mamamayan ng Pilipinas lang, nagsasayaw lang ako. Tapos biglang mabibigyan ka ng break na ganun, parang panaginip.”