• Home
  • Fresh Scoops
  • Paulo Avelino, ipinakilala si ‘Goyo’ sa Independence Day Celebration sa Luneta

Paulo Avelino, ipinakilala si ‘Goyo’ sa Independence Day Celebration sa Luneta

In character na dumating ang all-star cast ng Goyo Ang Batang Heneral bilang pakikiisa sa Independence Day.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/12/2018 6:54 PM
Paulo Avelino, ipinakilala si ‘Goyo’ sa Independence Day Celebration sa Luneta


 

Rain or shine, hindi nagpaawat ang cast ng historical film ng TBA productions na Goyo: Ang Batang Heneral na pinangungunahan ni Paulo Avelino.

Ito ang kasunod ng historical 2015 movie na Heneral Luna na certified blockbuster sa takilya.

At ngayong June 12, Independence Day, present sina Paulo Avelino, Mon Confiado, Rafa Seguion-Reyna, Art Acuna at Gwen Zamora sa naganap na Independence Day Celebration sa Quirino Grand Stand suot ang kanilang mga costume na first time ipinakita ng harapan sa publiko.  

Yes first time in public and very excited kasi na-imbitahan kami ngayong Araw ng Kalayaan,” Bungad ni Paulo. 

Aminado ang aktor na challenging ang muling pagpapakilala kay Gregorio del Pilar sa bagong henerasyon ng mga manunuod.

Gusto kong ipakilala hindi lang si Goyo, kundi ang Iba pang bayani bilang mga tao din gaya natin na nagkakamali din at hindi perpekto,” dagdag ni Paulo. 

Mapapanuod ang Goyo: Ang Batang Heneral sa darating na September 5 in cinemas nationwide.