• Home
  • Fresh Scoops
  • Henz Villaraiz and Markus Paterson share how they manage their earnings

Henz Villaraiz and Markus Paterson share how they manage their earnings

Henz Villaraiz at Markus Paterson, nakahiwalay na ng tirahan sa mga pamiya nila

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

6/12/2018 11:09 AM
Henz Villaraiz and Markus Paterson share how they manage their earnings


 

Sa Tonight with Boy Abunda, naikuwento na parehong living independently na sina Henz Villaraiz at si Markus Patterson.

Kuwento ni Markus, parang hindi din siya solo sa kanyang tinitirahan dahil, “technically, I was living alone but funny because my friends always crash my condo all the time. I welcome them.”

Nang tanungin naman kung paano nila bina-budget ang kinikita nila, sinabi ni Henz na tinutulungan siya ng mom niya na ibudget ang kinikita niya. “When I get a paycheck po, binibigay ko po sa mother ko.” Pinagkakatiwalaan din daw siya ng Mom niya na ibudget ang binibigay nito sa kanya.

Ayon naman kay Markus kung paano siya natuto humawak ng pera niya, “Ever since I started working in England, I’ve always had knowledge on how to keep and how to save it and what to spend it on on certain times.”