EXCLUSIVE: Maricel Laxa, balak na bumalik sa showbiz

Proud din si Maricel Laxa sa pagiging stage mother.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

6/12/2018 9:30 AM
EXCLUSIVE: Maricel Laxa, balak na bumalik sa showbiz


Image credit to mommymaricel IG

 

May balak na si Maricel Laxa na bumalik sa pag-arte.

“Depende sa istorya, sa director, sa project. I’m open, it’s not my priority but I’m open and yung mga bata dahil ngayon nga na nasa showbiz na si Donny, bakit hindi daw ako mag-showbiz ulit?

“Sabi ko, there has to be that perfect time and that perfect project na mapapa-oo ako kasi I’m very happy where I am and I know kung meron man na opportunity for that na bumalik sa showbiz darating yon sa tamang panahon,” kuwento ng magaling na aktres at mommy ni Donny Pangilinan na isa sa mga bida ng pelikulang Walwal ng Regal Films.

Excited na ring ibinalita ni Maricel na isang pelikula ang nakatakda niyang gawin under the direction of Peque Gallaga.

Aniya, “I was just asked to do a film last week pero hindi ko pa sasabihin kung ano, nag-oo ako kay Direk Peque (Gallaga) and I can’t say no kasi na-excite ako, kasi maganda yung project.

But you know what, I’m most happy behind the scene—supporting my family, seeing Donny be the best that he can be.”

Ngayong nasa showbiz na rin ang panganay niyang si Donny, buo daw ang suporta niya dito.

I love driving for him. I love assisting him, giving him some advice. But I also want to see na maging Donny siya, hindi yung kung ano ang dinidikt na namin at lumabas yung sarili niyang identity.

“Na hindi siya makilala dahil kami yung magulang niya. Ayaw naming masabi na dahil sa amin nandyan siya sa showbiz,” sey niya.

Proud din daw siyang sabihin na isa siyang stage mother.

“Kapag sinasabi ng mga tao, ‘stage mother ka’? Yes na yes, I’m a stage mother and I’m proud of it. Dugo’t pawis ko ang binigay ko diyan, ‘no. So, why not celebrate it, right?” proud niya ring pahayag.

Samantala, paano ba niya tine-take ang mga papuri at pamba-bash kay Donny?

“Natutuwa ako at the same time, naaalala ko na this is beyond us, this is not about us. It’s about the chance for Donny to make a difference in today’s society, for the millennials or for the new generation.

“It’s never about just being happy that people like him, but it’s about what he can do to help make their lives better. At saka handa rin kami na hindi lahat yan maganda ang sasabihin. Meron din na hindi natutuwa, nagba-bash and that’s all part of it.

But if there’s one thing I want Donny to remember is this—regardless of what happens in his circumstances dapat buo siya. Dapat alam niya na ang value niya. Hindi siya dapat humanap ng validation sa mundo, dapat buo na siya para siya yung magbigay ng liwanag,” huling pahayag niya sa PUSH.