• Home
  • Fresh Scoops
  • Agot Isidro on whether or not she will run for the Senate: ‘Give me time’

Agot Isidro on whether or not she will run for the Senate: ‘Give me time’

Agot Isidro, sinagot kung tatakbo siya bilang Senador.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

6/12/2018 11:12 AM
Agot Isidro on whether or not she will run for the Senate: ‘Give me time’


 

Sa ulat ng TV Patrol, matapos tanggapin ang Best Actress trophy para sa pelikulang Changing Partners, sinagot ni Agot Isidro ang issue tungkol sa umuugong na balita na makakasama siya sa 2019 Senatorial lineup.

Ani Agot, “kinakausap ako, yes.”

Umugong ang balita matapos siya pangalanan ni Sen. Kiko Pangilinan bilang isa sa mga kababaihan na nililigawan nila para makasama sa Liberal Party.

Ano naman kaya ang sinagot ni Agot sa mga nag-aalok sa kanya para tumakbo? “Give me time. It’s different ha, public service and being in the public eye. Sa akin parang nae-excite ako dun, tapos parang biglang dumating to so enjoy ko muna ‘to, doing films that matter. So sa akin nandun ako ngayon.”