Agot Isidro on joining politics: ‘Hindi natin alam’

Aminado si Agot Isidro na mas nag-e-enjoy siya ngayon sa kanyang trabaho bilang aktres.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/12/2018 11:20 AM
Agot Isidro on joining politics: ‘Hindi natin alam’


 

Wagi bilang Best Actress sa katatapos lang na FAMAS 2018 si Agot Isidro para sa kanyang pagganap sa pelikulang Changing Partners.

Sa panayam ng entertainment press kay Agot, ibinahagi nito ang kanyang saloobin sa maugong na balitang panliligaw sa kanya nag Liberal Party para tumakbo bilang senador.

Read: Is Agot Isidro running for Senator?

“Hindi natin alam. Pero this is where I am right now,” bungad ni Agot.

“Ang sarap gumawa ng pelikula. Gawa muna tayo ng pelikula. Ang sarap umarte, especially now that the landscape of filmmaking has changed so parang feeling ko, doon muna ako sa nag-e-enjoy ako. Parang hindi yata enjoy masyado ang Senado,” sambit pa ni Agot.

Aminado din si Agot na hindi niya sinasara ang mga posibilidad sa kanyang pagtakbo para sa isang national position.

I don’t know. Malayo pa naman. I don’t know. Hindi ko pa iniisip muna. Busy din naman ako sa Asintado, three times a week ang taping,” sabi pa ni Agot.

Marami pa din daw siyang natatanggap na hate comments matapos ang naging kontroberysal social media post niya laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

It’s part of it. If you speak out, of course you are inviting that resistance also. If they are on that side, they have us. So sila meron ding resistance. Ako rin, may ganun. I would think I have a lot of bashers pero keri ko naman yun. Hindi ako masyadong affected,” paliwanag ni Agot.

I believe in my principles. I stand by my principles. No one is paying me to do it. This is all me. Prinsipyo ko 'yun eh.”