Vice Ganda, inaming may mga naka-fling na artista

Sa Gandang Gabi Vice, maraming revelation tungkol sa kanyang personal na buhay ang pinasabog ni Vice Ganda.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

6/11/2018 9:14 AM
Vice Ganda, inaming may mga naka-fling na artista


Photo credit: @praybeytbenjamin IG

 

Sa Gandang Gabi Vice, inamin ni Vice Ganda ang ilang bagay na may kinalaman sa personal niyang buhay sa segment na “Guilty or Not Guilty.” Una, inamin niya sa guest host na si Gus Abelgas na may naka-date siyang audience members. “Twice lang naman sir Gus. In seven years, dalawa lang po.”

Inamin din ni Vice na may nasampal na siyang babae. “Guilty ako dun, pero isang beses lang yun Sir Gus,” sabi ng komedyante. Dagdag ni Vice, nag-aaway sila ng boyfriend niya noon sa isang club at nakita niya na kinukunan sila ng video ng isang babae. Nakiusap diumano siya ng ilang beses na ‘wag silang kunan ng video ng babae pero hindi ito tumigil kaya nasampal ito ni Vice.

Sa tanong kung may mga operasyon siyang pinagawa para gumanda, ang sagot ni Vice ay, “Opera ba yun? Hindi naman kasi siya opera, procedure lang. Hindi po ako nagpa-opera, may mga procedure lang, tinurukan para may mabanat...”

Inamin din ni Vice na may mga naka-fling siyang mga artista. “Ilan lang naman, mga walo.”

May inawrahahan din kaya si Vice sa grupong Hashtag? Ani Vice, “Hindi ko inawrahan, ako ang inawrahan e... pero hindi pa siya Hashtag nun,” pasabog ni Vice.  

Panghuli, inamin din ni Vice na nagtatago pa siya ng picture ng ex sa cellphone. “Yun na nga lang ang meron ako, larawan, alaala.” Inamin din niya na minahal niya ang tinutukoy niyang ex at nami-miss niya ito “minsan.”