• Home
  • Fresh Scoops
  • Erik Matti reveals Liza Soberano’s preparations for “Darna”
Erik Matti reveals Liza Soberano’s preparations for “Darna”
The director also described Darna’s new look.
BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

6/11/2018 10:55 PM
Erik Matti reveals Liza Soberano’s preparations for “Darna”
Photo credit to: @lizasoberano IG (R)

 

Ibinahagi ng award winning director na si Erik Matti ang kanyang paghanga para sa dedikasyon ng ni Liza Soberano na kanyang role bilang bagong Darna.

Kuwento ni direk Erik sa FAMAS Awards Night, intense ang ginagawang training ni Liza ngayon bilang paghahanda sa iconic Pinay superhero.

Grabe 'yung change from a year ago when we started. That’s because of the dedication of Liza as well. She had to forego a lot of things,” bungad ni Direk Erik.  

Aniya, sumalang na sa iba’t ibang look test ang Bagani star kabilang na ang makeup at costume bilang Darna.

We’ve had several look tests already in terms of makeup, costumes for the superhero and for the normal Narda costume. She’s gearing up. She’s quite excited and we’ve done several rehearsals already for critical, emotional scenes,” sabi pa ni direk.  

Patikim pa ng director sa costume ni Darna asahan ang kakaibang look na magpapaangat lalo ng kagandahan ni Liza.

It’s more towards a fighter, a savior, a defender, Hindi naman pwedeng naka-leggings si Darna. We didn’t think of (conservative.) We only thought of what’s good for the role. Of course, with all the gender sensitivity now, we have designed something that is more of a warrior, more of utilitarian costume. Dati kasi bikini na parang weird din minsan, itatanong mo sa sarili mo kung bakit ‘yung superhero naka-bikini’ di ba?’ Sabi pa ng director. 

Samantala nagbigay reaksyon din si Direk Erik sa mga nagalabasang balita na hindi tuloy ang Darna movie.

Ang dami nang nangyari so I am shocked that every now and then, may balitang hindi matutuloy or nagbitiw ako. Unless I am fired, I am very much still into Darna,”  paliwanag niya. 

Pagdating naman sa playdate ng pelikula, nilinaw ni Direk Erik na hindi ito kalahok sa upcoming 2018 Metro Manila Film Festival.

I think it’s tough to put a target to a film this big. There’s a lot of things that are unknown. The production is quite big. The post-production is also quite extensive. I think ABS-CBN is trying to come up with a very special project with Darna. To put a playdate to it, parang sayang din lang para sa project.”