• Home
  • Fresh Scoops
  • Bea Alonzo, babawasan ang restriction sa sarili pagdating sa mga mature roles

Bea Alonzo, babawasan ang restriction sa sarili pagdating sa mga mature roles

Ayon kay Bea Alonzo, mas confident na siya ngayon sa kanyang sexy body

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/10/2018 11:25 AM
Bea Alonzo, babawasan ang restriction sa sarili pagdating sa mga mature roles


Aminado ang kapamilya actress na si Bea Alonzo na doble ang kanyang naging effort para ma-achieve ang kanyang sexy na pangangatawan ngayon.

 

Kuwento ni Bea bago siya tumulak papuntang Vancouver, Canada para sa shooting ng kanyang upcoming movie with Aga Muhlach, malaki ang kanyang naging sakripisyo para i-achieve ang kanyang sexy body.

 

 

 

“Nage-exercise talaga ako, wala talagang shortcut pag dating sa weight loss. So nag-exercise talaga ako and I tried to eat right. Hindi ako nag-meat na for almost two years na and yun siguro living a balance life.”

 

Ayon kay Bea, hindi din daw malayo na tumanggap siya sa kanyang future project ng mas mature role.

 

“As actors kasi, yung katawan kasi namin yung isa sa mga tools namin. Siguro magiging less yung restrictions ko when it comes to showing skin. Siyempre I’m getting older and mas confident na ako.

 

“Ayaw ko din maging acting block yun, ayaw kong ma-restrict yung sarili ko from doing the roles that I want to do because I don’t want to share much.”