• Home
  • Fresh Scoops
  • Vice Ganda, alam na daw niya ang balak na pagsasama ni Vic Sotto at Coco Martin para sa MMFF

Vice Ganda, alam na daw niya ang balak na pagsasama ni Vic Sotto at Coco Martin para sa MMFF

Vice Ganda, excited para sa gagawing pelikula para sa MMFF

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

6/1/2018 10:38 AM
Vice Ganda, alam na daw niya ang balak na pagsasama ni Vic Sotto at Coco Martin para sa MMFF


 

Sa ulat ng Bandila, sinabi ni Vice Ganda na alam niya ang balak na pagsasama nina Vic Sotto at Coco Martin sa isang pelikula para sa Metro Manila Film Festival. “I’m fully aware of that. Wala namang taong hindi mahigpit ang labanan kasi lahat nagtatrabaho ng husto, para makapagbigay ng magandang materyal para sa mga taong manunuod.”

Matagal na rin daw plano ni Coco na makasama si Vic sa isang pelikula.

Nagkuwento rin si Vice ng plano niya para sa paparating na film fest. “Yes, magpi-film fest ako. Ang ganda ng concept ko ngayon. Nung nagmi-meeting pa lang kami sa Star Cinema tawa na kami nang tawa. Yung konsepto ko at ng Star Cinema, nagbangga. Ang ganda, nabuo siya.”