Krista Miller, nakalaya na matapos kasuhan dahil sa droga

BY JOAN LEARY

FRESH SCOOPS

6/1/2018 3:23 PM
Krista Miller, nakalaya na matapos kasuhan dahil sa droga


Photo lifted from ABS-CBN news

 

Masaya at malaki ang pasasalamat ng dating sexy star na si Krista Miller sa kanyang pamilya at Diyos matapos makalaya sa kulungan. Taong 2016 nang maaresto si Krista matapos ang isang drug buy-bust.

Sa panayam ng ABS-CBN News, kanyang inilarawan kung paano siya nakalaya.

“Tinawag na lang ako na ‘Krista, may papel na dumating.’ Paglabas ko, si Kuya ambagal pa ng baba ng papel. Nung nilapag niya, ‘di pa ako makapaniwala sa resulta. Biglang sinabi ni kuya, ‘Laya na po kayo, ma'am.’ Sobrang gulat, sobrang saya. Mga tears of joy yung nangyari, sobrang saya na, ‘Ito na, lalabas na ako, ito na talaga."

Sinundo naman siya ng kanyang pamilya na hindi rin naman siya iniwan noong nakapiit pa.

“I feel so vindicated. Nakuha ko na ang justice ko. Para kang nabunutan ng tinik. Hindi na mga bakal na rehas yung nakapaligid sa akin, kuwarto na talaga,” aniya.

Kanya ring napagtanto na naging matigas ang ulo niya at hindi ito deserve ng kanyang mga magulang na nasaktan din sa kanyang sinapit.  

“Bakit ba nila pinagdadaanan 'yun, kasi kung tutuusin naging mabuting magulang sila sa akin, ako lang ang naging matigas ang ulo, na hindi ako pumipili ng mga kaibigan. So pati sila nahihirapan dahil sa nangyari sa akin. Tapos hindi sila bumitaw.”

Nakalaya si Krista matapos mapagdesisyunan ng Valenzuela City Regional Trial Court Branch 283 na walang sapat na ebidensya laban sa kanya para makulong.