• Home
  • Fresh Scoops
  • Junior New System, may kuwento sa pagkapasok sa ‘America’s Got Talent’

Junior New System, may kuwento sa pagkapasok sa ‘America’s Got Talent’

Junior New Sytem, nagkuwento kung paano nakasali sa ‘America’s Got Talent’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

6/1/2018 10:28 AM
Junior New System, may kuwento sa pagkapasok sa ‘America’s Got Talent’


Photo credit: ABS-CBN News

 

Sa ulat ng TV Patrol, nagkuwento ang Junior New System dance group tungkol sa pagkapasok nila sa auditions round ng America’s Got Talent.

Ayon kay Christian Santos na member ng grupo, “Nung nakita ko po si Mel B. po bigla na po siyang napatayo, tapos sina Heidi (Klum) napapasabay na po sila sa kanta. Yun po mas na-enjoy na po namin yung performance po namin.”

Nagkuwento rin ang manager ng grupo na si Mars Vida kung paano sila nakasali sa auditions. “Through connections nag-apply kami. Nagbago na yung America’s Got Talent. Naging worldwide na po sila kaya tumatanggap na sila ng ibang nationalities.”

Ayon sa report, mag-iisang taon na ang grupo sa America dahil nagamit nila ang scholarship na galing sa pagkapanalo nila sa World Championship of Performing Arts.