• Home
  • Fresh Scoops
  • Is “Since I Found You” Piolo Pascual’s last teleserye?

Is “Since I Found You” Piolo Pascual’s last teleserye?

Piolo Pascual is thankful for the good reception of his soap “Since I Found You.”

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/1/2018 4:22 PM
Is “Since I Found You” Piolo Pascual’s last teleserye?


 

Handa na si Piolo Pascual sa pag-promote ng kanyang bagong film project na “Ang Panahon ng Halimaw” na dinirek ni Lav Diaz.

Ipinaliwanag din ni Piolo na focus muna sila sa pagbebenta ng kanilang pelikula sa international market.

“Yes, we’re planning of selling it abroad, and one of our producers was in Cannes just to present and there are lot of producers who were interested,” kwento ng aktor.

Bukod sa “Ang Panahon Ng Halimaw,” gabi-gabi din napapanood si Piolo bilang si Nathan sa kilig telerserye na “Since I Found You.” Mahirap man daw, thankful ang aktor sa mainit na pagtanggap ng viewers sa kanilang programa.

“I’ve been very vocal about doing soaps, ang hirap talaga mag-soap. Sabi ko last soap ko na ito, sabi ko time out na. Binubuhos ko lahat ng energy ko sa soap na ito, so then I can focus on other things maybe,” sabi pa niya.

Bukod sa pag-arte, abala din si Piolo bilang isa sa mga movie producers ng Spring Films. Ang movie outfit niya ang isa sa magpro-produce ng pelikula tungkol sa nagging giyera sa Marawi.

“Yes we had our meeting with Sir Carlo Katigbak (president ng ABS-CBN) and our financiers two nights ago. We did an ocular in Marawi, we of course are talking about safety and we’re just finalizing the casting. Hopefully this June we’ll start grinding,” pahayag ni Piolo.

Bukod sa inaabangang Marawi movie, isang pelikula din sa Cinemalaya at debut movie ni Iñigo Pascual at Maris Racal ang nakatakdang i-produce ng Spring Films ngayong 2018.