• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Ara Mina, inalala nung siya ay na-reject para sa auditions ng ‘Ang TV’

EXCLUSIVE: Ara Mina, inalala nung siya ay na-reject para sa auditions ng ‘Ang TV’

Inilarawan din ni Ara Mina kung paano dumating ang suwerte sa kanyang career.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

6/1/2018 9:17 AM
EXCLUSIVE: Ara Mina, inalala nung siya ay na-reject para sa auditions ng ‘Ang TV’


Photo credit: @therealaramina on IG

 

Ngayong 2018 ay pang-25thyear na ni Ara Mina sa showbiz industry at ayon sa kanya, malaking suwerte ang hatid sa kanya ni Batching, ang bunsong kapatid na may Down syndrome, kung paano siya nakapasok sa showbiz.

Kuwento ni Ara, “Nung pinanganak siya, do’n ako natanggap maging artista. I think she’s my lucky charm. Kasi nung wala pa siya sa buhay namin, ilang auditions ko ang hindi ako natanggap.”

Sabi pa ni Ara, tandang-tanda niya nung na-reject siya sa audition ng Ang TV noon sa ABS-CBN.

“Nag-audition ako sa Ang TV, hindi ako natanggap kasi wala pa siya (Batching). Tapos nung pinanganak na siya, nag-audition ako sa That’s Entertainment, pumasa ako.

“Grabe yung sa Ang TV, pumila ako at nahimatay pa ako. Pag gising ko, nandon na ako sa loob ng studio. At ang humarap sa akin si Mr. Johnny Manahan.

“Sabi niya, ‘Are you okay?’ Tapos hindi rin niya ako tinanggap. Hahaha! At least nakapasok ako sa audition kasi grabe talaga yung pila non. Iba pa yung audience entrance non, do’n sa kabila,” natatawa niyang pagre-recall.

“So, nung pinanganak siya, sunud-sunod na. Natanggap na ako sa That’s, ganyan-ganyan. So, I think, she’s really my lucky charm,” dagdag ni Ara.

Sa kanilang magkakapatid ay aminado rin si Ara na mas close sa kanya si Batching.

“Pag tatanungin mo yan kung kanino siya sasama, kasi nga ang mommy ko she’s not getting any younger, ang sasabihin niya either kay Holy (brother din ni Ara) o sa akin,” she said.

Maging ang pagkakaroon ng crush ni Batching ay ibinuking din ni Ara.

“Sabi niya one time na nagdi-dinner kami, ‘Ate, buntis ako.’ Sabi ko, ‘Ha?’ Tapos sabi niya si Paulo Avelino raw yung father.

“Pero dati si Dennis Trillo ang crush niya. Nagbago na siya. Si Paulo na ang crush niya kasi napapanood niya,” natatawa ulit niyang pahayag.

Dahil sa kapatid na may down syndrome kaya naisipan ni Ara ang magkaroon ng fun run—ang tARA Na Sa ARenA 2018—na gaganapin sa May 27.

Magkano ba ang target niyang kitain ng fund-raising?

“Ano lang naman. Yung enough lang para… kasi may free clinic yung Down Syndrome Association of the Philippines hindi lang dito sa Manila.

“Mas maganda sana kung mas malaki para maraming matulungan, di ba? Pero kahit naman magkano marami pa ring matutulungan, may magagawa pa rin yon,” sambit pa niya.