• Home
  • Fresh Scoops
  • Paolo Valenciano, nagbigay update sa kalagayan ng ama na si Gary Valenciano

Paolo Valenciano, nagbigay update sa kalagayan ng ama na si Gary Valenciano

Matapos ang matagumpay na open heart surgery, nagpapalakas na raw ngayon si Gary sa ospital.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/9/2018 5:23 PM
Paolo Valenciano, nagbigay update sa kalagayan ng ama na si Gary Valenciano


Photos credit to the owners

 

Nagbigay update ang panganay na anak ni ‘Mr. Pure Energy’ Gary Valenciano na si Paolo sa kalagayan ng kanyang ama matapos sumailalim sa open heart surgery nitong weekend.

Read: Gary Valenciano, sumailalim sa open heart surgery

Sa panayam na ito kay Paolo, sinabi nito na all is well na ngayon si Gary matapos sumailalim sa maselang operasyon.

“My dad is doing fine now, he’s recovering. According to the doctor, sabi nila for someone his age na may diabetes, he’s really improved a lot. There’s a miracle raw talaga kasi hindi nila naisip na ganun kabilis ang recovery niya,” masayang bungad ni Paolo. 

“Although, from time to time, he still feels ‘yung tightness sa chest niya and may severe pain pa rin, but thank God, today he’s able to walk na so nakalabas na siya ng ICU today,” dagdag pa nito. 

Kuwento pa ng panganay ni Gary V., lahat sila nabigla sa biglaan na operasyon ng kanilang ama.

“You know kami rin nabigla. Two, three weeks ago, he’s completely fine.” Ani ni Paolo, akala ni Gary na during the last couple of months ay napapagod lang siya because of his age. 

“But the doctor could have seen the reason why, it’s because of the blockage and ‘yung sa ASAP as 35th anniversary niya, ‘yun doon niya naramdaman ‘yun na medyo may problema,” dagdag pa niya.

Aniya, dahil sa naramdaman na pananakit lang sa dibdib ng kanyang ama, hindi na nagdalawang isip na magpacheck-up si Mr Pure Energy.

“Medyo nalungkot kami, kasi when he went to the hospital, akala ng doctors hindi siya masyadong serious, akala lang nila na result lang ito ng medication on his diabetes, and akala namin check up, nagulat na lang kami na sinabi ng mom ko sa amin na ‘oh you’re dad needs a bypass operation tomorrow.’ Nagulat kami and ‘nung sinabi sa amin, hindi pa masyadong nagsink in sa amin,” kwento ni Paolo. 

Gayunpaman, nagpasalamat pa rin daw silang pamilya na naagapan ang sitwasyon ng kanilang ama.

“We’re very thankful that he (didn’t) have a heart attack. We’re very thankful that we caught it early and that’s what the doctors are telling us, buti na lang he felt a little tightness kung ‘di it would have been a different story,” sabi pa nito.

Gaya ni Gary, maayos din daw ang kanilang ina ngayon na si Angeli Pangilinan na siyang naging abala sa pag-iintindi sa kanilang ama.

“My mom, she’s really the strong one in the family right now. She was there right before the procedure and since it was the first time in our family to have that serious problem, it was my mom who kept us all together - Gab, Kiana and I. It really strengthened this family.” 

Masayang update pa ni Paolo, dahil sa magandang recovery ng kanyang ama, excited na raw ito lumabas ng ospital.

“Yes, the energy is there na, parang atat na siya makalabas ng hospital. He has some difficulty in getting up and lying down but he’s recovering really well,” pahayag niya. 

Samantala, matapos sumalang sa operasyon, inihayag naman agad ni Gary sa kanyang social media ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga nagdasal para sa kanyang mabilis na paggaling.

 

Sa ngayon, kasalukuyan pa rin nagpapagaling sa ospital si Gary na ayon kay Paolo ay tatagal ng tatlo hanggang apat na buwan para sa mas kumpletong recovery.