• Home
  • Fresh Scoops
  • Morissette Amon, nananatiling positibo matapos ang bashing incident sa social media

Morissette Amon, nananatiling positibo matapos ang bashing incident sa social media

Paglilinaw ni Morissette, mataas ang kanyang respeto kay Sarah Geronimo na kanyang coach sa The Voice of The Philippines.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/8/2018 7:09 PM
Morissette Amon, nananatiling positibo matapos ang bashing incident sa social media


 

Aminado ang singer na si Morissette Amon na naapektuhan siya ng bashing at hate comments na ibinabato sa kanila ng kapwa singer na si Angeline Quinto.

Matatandaan na naging laman ng mga balita si Angeline at Morissette nang akusahan sila ng mga negatibong balita na pinagtawanan di umano nila si Sarah sa isang video matapos ang naging breakdown nito habang nasa concert sa Amerika.

Read: Angeline Quinto appeals to Popsters after being accused of laughing at Sarah Geronimo

“Ang masasabi ko lang po, nalungkot po talaga ako kasi ang daming naniniwala doon sa rumor na yun tapos ang dami pang nadamay. Of course si Angeline kaming dalawa ‘yung naging victim doon sa pagbabash nila,” bungad ni Morissette. 

“I just feel bad for Ate (Sarah) sa States kasi parang if she knew about it, dadagdag pa ‘yung problema sa kanya,” sabi pa nito.

Aniya, sa kabila ng patuloy na bashing at pagbabato sa kanila ng negatibong komento, mas pinili pa rin daw ni Morissette na manahimik at dedmahin ito. 

“But we talked over naman kami ni Angge nag usap kami, kasi si Angeline is very vocal naman on (Twitter) sa social media. Ako, I chose to be quiet, kasi I don’t want the issue bigger,” sabi ni Morissette.

Nirerespeto rin daw niya si Angeline sa kagustuhan nito na maging vocal as kanyang mga tweets laban as mga akusasyon na ibinabato sa kanila.

“But I think Angeline is defending not for herself lang naman but for me as well and both of our management talked about it already with the situation. Sana maging okay ang lahat,” sambit pa nito.

Labis din daw na nalulungkot si Morissette para sa kanyang idol na si Sarah sa pinagdadaanan nitong emptiness.

Matatandaan na si Sarah ang coach ni Morissette sa The Voice of The Philippines kung saan siya nagsimulang gumawa ng pangalan sa Kapamilya network.

“Sobra po. Ang sakit po para sa’kin na panoorin si Ate na pagod, na ‘yun nga sabi nga niya she feels empty. Of course as a fan nga talaga, parang I also understand talaga na it’s our nature of work na minsan we really have to give our all for work,” aniya. 

Dagdag pa ni Morissette, hindi nakakatulong ngayon para kay Sarah ang makadagdag sa pagsasabong sa kanila ng mga fans.

“Yes with so much respect, it’s sad lang talaga na ang daming umatake sa amin, but hopefully it will stop na and kaming tatlo naman is very very okay,” sabi pa nito.

Dahil sa lumalalang bashing na umabot na sa death threats kaya hindi na napigilan ni Angeline na magsampa ng kaso sa NBI.

Read: Angeline Quinto files police report after receiving death threats online

Gaya ni Angeline, ayon kay Morissette, pinag aaralan na rin nila ng kanyang legal team na magsampa ng kaso kung kinakailangan.

“That’s something to be discussed, but we actually found the source din so it’s probably on that person,” paliwanag ng singer. 

Sa ngayon, abala si Morissette sa rehearsals ng kanyang Mother’s Day concert na gaganapin ngayong May 12 sa Alonte Sports Complex sa Biñan Laguna.