• Home
  • Fresh Scoops
  • Miss Universe Organization gusto muling mag-host ang Pilipinas ng prestigious pageant

Miss Universe Organization gusto muling mag-host ang Pilipinas ng prestigious pageant

Ito na ang ikalawang pagkakataon na muling bumisita si Demi Leigh Nel-Peters sa bansa kasama ang Miss Universe Organization.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/8/2018 7:29 PM
Miss Universe Organization gusto muling mag-host ang Pilipinas ng prestigious pageant


 

Muling nagsama-sama ang tatlong Miss Universe title holders na sina 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach, 2016 Miss Universe Iris Mittenaire at reigning Miss Universe Demi Leigh Nel-Peterspara sa isang fashion event dito sa Pilipinas.

 

Kasama sila sa mga rarampa para sa Grit+Glam event na gaganapin sa isang hotel sa Pasay City.

Sa naganap na media conference, sinagot ng Miss Universe Organization Head na si Paula Shugart na muli nilang kino-considera ang Pilipinas para mag-host ng 2018 Miss Universe pageant.

“We’re evaluating the opportunities and possibilities of Miss Universe this year and so all I can say is stay tuned," sabi pa ni Paula.

Nagpasalamat naman si Pia Wurtzbach sa muling pagbisita ng Miss Universe sisters niya at mga papuri nila sa kanya

 

“Thank you so much for your kind words. We must bond for a longer time than we have. I love Iris from the moment I saw you and Demi you’ve proven yourself like an amazing beauty queen," sabi pa ni Pia.

Dahil sa hectic na schedules ng Miss Universe, wala daw munang time si Demi Leigh para mamasyal sa Pilipinas. 

Pero, plano daw bumalik ni Demi Leigh para mamasyal sa magagandang tourist spots dito.

 

Good morning Manila ☀️

A post shared by Demi-Leigh | Miss Universe (@demileighnp) on

 

“We'd love to explore the Islands. We hear all the beautiful stories but it’s unfortunate at this time but that just calls for us to come back again," sagot ng reigning Miss Universe.

Ang 2016 Miss Universe naman na si Iris Mittenaire, hinding hindi malilimutan ang Pilipinas dahil dito siya kinoronahan bilang Miss Universe.

 

“I’m always happy to come back here in the Philippines. It’s here where everything started," pahayag pa ni Iris.

Ngayong gabi May 7, inaasahan ang pagdagsa ng Miss Universe fans sa The Cove para sa pagrampa ng  Miss Universe beauties.