Pinaalalahanan ni Ai-Ai delas Alas ang mga lokal na kandidatong ginagamit sa kanilang kampanya ang kanta ng Ex Battalion na “Hayaan Mo Sila” na may batas ukol dito. Si Ai-Ai ang tumatayong manager ng grupo at sinabing copyrighted ang kantang “Hayaan Mo Sila” na nag-trending sa online world.
“May kagawad sa QC (Quezon City) at meron pang sa Makati at sa lahat ng mga gumagamit ng kanta... Kung gusto niyong gamitin ang kanta mag-text lamang sa (0917) 750 0291 maraming salamat po,” aniya.