Pops Fernandez, magbabalik showbiz na nga ba?

Ayon sa Concert Queen, nanatili ang kanyang interest sa mundo ng showbiz.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/7/2018 8:33 AM
Pops Fernandez, magbabalik showbiz na nga ba?


 

Looking young and beautiful pa din ang Concert Queen na si Pops Fernandez nang dumalo ito sa opening ng Bag Lounge sa isang mall sa Alabang Muntinlupa.

Isa si Pops sa mga bisita ng businesswoman na si Anna Magkawas kasama si Maricar Reyes- Poon at iba pang mga personalidad sa showbiz.  

 

Sa panayam na ito entertainment press kay Pops, muling naitanong sa concert queen ang kanyang plano tungkol sa pagbabalik showbiz.

“I don’t know, magpapapayat lang ako ng slight haha, I don’t know maybe one of these days,” sagot niya. 

Ayon pa kay Pops, bukod sa tamang timing, kinokonsidera din niya ang tamang proyekto na para sa kanya.

“Nako it has to be something super different and something that is kumbaga it’s really hard to refuse,” paliwanag ng singer. 

Hindi man naging aktibo sa showbiz nitong mga nakaraang taon, naging abala naman si Pops sa pagbibigay oras sa kanyang sariling negosyo. Pero aniya, nanatili pa din ang kanyang interes sa showbiz.

“Wala naman (upcoming project), wala pa naman. Let’s see, siyempre the desire and the interest is always there naman,” pagtatapos ni Pops.