• Home
  • Fresh Scoops
  • Jameson Blake pumalag sa tawag na ‘user’ ng ilang ElNella fans

Jameson Blake pumalag sa tawag na ‘user’ ng ilang ElNella fans

Aminado si Jameson na nakakatikim siya ng pamba-bash mula sa fans ng love team nina Elmo Magalona at Janella Salvador.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

5/7/2018 9:15 AM
Jameson Blake pumalag sa tawag na ‘user’ ng ilang ElNella fans



Ipinagtapat ni Jameson Blake, leading man ni Janella Salvador sa pelikulang So Connected ng Regal Entertainment na nakakatikim siya ng pamba-bash from the fans of Elmo Magallona and Janella (ElNella) simula nung gawin niya ang pelikulang idinirek ni Jason Paul Laxamana na showing on May 23.

Pag-amin ni Jameson,  “There was this time na when I greeted Janella sa IG and I used her name, Trisha (karakter ni Janella sa pelikula), people were thinking na I was promoting the movie and they’re telling me na ‘why don’t you just let Janella enjoy her day with Elmo’ and stuff, which I mean, I don’t mind, of course and they were saying na user ako, ginagamit ko lang siya para sumikat ako.”

Sabi pa ng Hashtag member, sana raw ay hindi na humantong pa sa ganung klaseng ng pamba-bash ang na-receive niya dahil binati lang naman niya si Janella on her birthday.

“I don’t know, it’s just too much and just over-reacting,”  pahayag ng binata.

Magkaganun man, naiintindihan naman daw niya ang ibang fans dahil alam niyang ang talagang sinusuportahan ng mga ito ay ang ElNella loveteam.

“But I just want to tell them na it’s just a movie naman. Before they say anything, let them watch it muna,” sabi niya.

Mabuti na nga lang daw at yung iba namang fans ni Janella ay supportive naman sa tandem nila ng young actress sa So Connected.

Nagbigay din ng reaksyon si Janella sa nangyari at nakiusap ito na hindi kailangang magsalita ng masakit ng kanyang fans dahil trabaho lang naman ang kanyang ginagawa. Naiitindihan din daw niya ang nararamdaman ng mga ito.

“Well siyempre naman, hindi maiiwasan that they felt bad, they felt hurt and some of them, of course, released some hurtful words, but ako naman, naiintindihan ko rin naman.

“Siyempre, they would get hurt because they’re rooting for two people to be together and naghiwalay. Pero at the same time, I understand them but ayun, sana lang, if they don’t like to support the movie, don’t say hurtful words na lang, di ba?” pahayag ni Janella.